Instagram account ni Enrique na-hack; Liza nabwisit

liza soberano at enrique gil

NANAWAGAN ang mga tagasuporta ni Enrique Gil sa isang hacker na ibalik na ASAP ang Instagram account nig Kapamilya actor. Kahapon, ibinalita ng LizQuen fans na na-hack ang IG account ng binata, ang @enriquegil17.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang iniisyung statement ang Kapamilya actor tungkol sa pagkaka-hack ng kanyang social media account na meron ng 2.1 million followers.

Ngunit ang kanyang ka-loveteam na si Liza Soberano ay agad na nag-post ng mensahe sa kanyang IG account, sabi ng dalaga, “Whoever hacked Quen’s IG account is so cruel. What for?”

Ayon sa ilang followers ni Enrique, ang huling post ng binata sa IG ay ang picture ng ka-loveteam niyang si Liza na may caption na: “Missing you.”

Mabilis ding nag-trending sa Twitter ang hashtag na #BRINGBACK ENRIQUEGIL17 IG, na ginamit ng LizQuen supporters para ma-pressure ang hacker na ibalik na ang IG account ni Enrique.

Read more...