(AFP)
Kinailangan ng USA na ipagpag ang mabagal na panimula bago tuluyang patumabahin ang Venezuela,113-69, upang ilista ang ikalawang sunod na panalo sa parehas na bilang nang laro sa men’s basketball ng 2016 Rio Games Lunes ng gabi Rio de Janeiro Brazil (Martes ng umaga sa Pilipinas.)
Pumukol si Paul George ng 20 puntos at mayroong 17 markers si Jimmy Butler para panatilihin ng koponan na binubuo ng NBA stars ang liderato sa Group A katali ang Australia (2-0) sa ibabaw ng Serbia (1-1), France (1-1) , Venezuela (0-2) at China (0-2).
Tabla ang iskor sa 18 sa pagtatapos ng unang yugto at nagawa pang lumamang nang mga Venezuelan nang tatlong beses ng isang puntos kontra sa mga Amerikano na maagang nagkamit nang limang turnovers at mga sablay na free throws.
Subalit naglunsad ng matinding opensa ang reigning titlist na USA sa ibinuhos na 30 puntos sa ikalawang kwarter upang limitahan ang kalaban sa walong puntos lamang at kunin ang 48-26 bentahe sa halftime.
Hindi na nakalapit pa ang Venezuela pagdating ng second half para malasap ang pangalawang talo sa dalawang laro.
Nagtala si Kevin Durant ng 16 puntos at limang assists habang nagdagdag si Carmelo Anthoy at DeAndre Jordan ay may tig-14 markers bukod pa sa nine rebounds ni Jordan para sa USA.
Nanguna naman si John Cox para sa Venezuela sa inilistang 19 puntos, siya ay pinsan ni dating Los Angeles Lakers supersta at five-time NBA champion Kobe Bryant.
MOST READ
LATEST STORIES