NAGDEKLARA ng suspensiyon ng klase ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at kalapit na mga probinsiya matapos naman ang patuloy na malakas na pag-ulan sa maraming lugar sa bansa bunsod ng Habagat.
Huli namang nagdeklara ng suspensiyon ng klase si Quezon City Mayor Herbert Bautista kung saan nakapasok na ang mga panghapong mga estudyante sa elementarya at high school.
Pasado ala-1 na ng hapon ng mapilitan si Bautista na isuspinde ang klase dahil halos lahat ng mga mayor ng Metro Manila ay nagdeklara na ng klase.
Una namang nagdeklara ng wala nang pasok ang Paranaque City at Las Pinas City kung saan umaga pa lamang ay nagdeklara na ng suspensiyon sa lahat ng antas ng klase.
Nagsimula ang walang tigil na malakas na mga pag-ulan umaga at tuloy-tuloy ito hanggang tanghali.
Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas ay ang Las Piñas City, Parañaque City, Pasay City, Valenzuela City, Makati City, Taguig City, Malabon City, Marikina City, Manila City, Caloocan City.
Nagsuspinde naman ang San Juan City mula pre-school hanggang junior high school, samantalang ang Muntinlupa City at Mandaluyong City ay nagsuspinde ng kaklase mula pre-school hanggang senior high school. Mula elementary hanggang high school naman na klase ang sinuspinde ng Quezon City.
Samantala, kabilang sa mga nagsuspinde rin ng klase sa lahat ng antas ay ang Rizal, at Cavite. Inquirer.net