Young actor inuna ang lovelife kaya minalas ang career

BLIND ITEM MALE0423

SA pakiramdam ng marami ay unti-unti nang nababantilawan ang karera ngayon ng isang guwapong young actor. Sayang na sayang dahil ilang buwan na ang nakararaan ay mabangung-mabango ang kanyang pangalan sa isang network.

Ayon sa mga kuwentuhan ay pumirma ng kontrata sa isang malaking produksiyon ang young actor pero mukhang hindi pa sa kanya nakatutok sa ngayon ang kanilang mga proyekto.

Pansamantala ay hindi nagkakaroon ng trabaho ang guwapong young actor, nakatengga siya ngayon, umaasang isang araw ay babalik na uli ang kanyang suwerte sa pag-aartista.

Kuwento ng aming source, “Nakakapanghinayang si ____ (pangalan ng tisoy at guwapong young actor) dahil abot-kamay na niya nu’n ang tagumpay. Todong suporta ang ibinigay sa kanya ng network na naka-discover sa kanya.

“Okey na nu’n ang career niya, e, marami siyang work, busy siya palagi, pero nagkaroon ng problema along the way. Ayan, nababantilawan na tuloy nang unti-unti ang career niya,” kuwento ng aming impormante.

Pero may mga naniniwala na malaki ang naging epekto ng pag-alis ng young actor sa poder ng kanyang manager. Mula nu’n ay nawalan na ng direksiyon ang kanyang karera, ayon sa mga kuwento ay mas binigyan niya ng importansiya ang pakikipagrelasyon, nagkahilahan sila pababa ng napili niyang mahalin at ipaglaban sa kanyang manager.

Komento ng isa pang source, “Mula nu’n, nawala na siya sa labanan, wala nang kahit anong balita tungkol sa kanya, tumutok siyang masyado sa lovelife niya.

“Nagdedenay siya pero ‘yun ang totoo, hinila siya pababa ng girl, wala rin naman kasing career ang babaeng ‘yun! Ngayon siguro, e, nag-iisip na ang bagets na mali ang mga desisyon niya lately.

“Kilalang-kilala mo siya, Bradly Guevarra, sinubaybayan mo siya nu’n sa isang seryeng may kinalaman sa paggawa ng masasarap na tinapay,” pagtatapos ng aming source.

Read more...