Pia ginamit ang katawan para sa kampanya laban sa AIDS

pia wurtzbach

GINAMIT ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang katawan para makuha ang atensiyon ng mga Pinoy para sa kanyang adbokasiya.

Nakita namin ang photo ni Pia sa kanyang Instagram account in her black swimsuit. Super sexy pa rin ang beauty queen na talagang ipinaglaway ng kanyang male and lesbian followers.

Pero sey ni Pia, more than her body, sana raw ay seryosohin ng kanyang friends and followers ang mensaheng nais niyang iparating. Sa caption ng nasabing litrato, muling ipinaalala ng dalaga ang kanyang panawagan hinggil sa problema ng buong mundo sa nakahahawang sakit na HIV/AIDS.

“NOW that I have your attention, do you know your status yet? Cos I know mine. Not your relationship status, silly! I meant HIV status,” sey ni Pia.

Nagmarka ang adbokasiya ni Pia sa HIV/AIDS noong sumali at manalo siya sa Miss Universe. At simula nga noon naging mas dedicated at mas seryoso ang kampanya niya hinggil dito.

Matatandaang noong June, 2016, nagpa-HIV test din si Pia sa APICHA Community Health Center.

Read more...