KASALUKUYANG ginaganap ang 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil at umaasa ang Philippine Team na makakakuha pa sila ng medalya gayun din ang sambayanang Pilipino.
Kinumisyon ng TV5 sa pamamagitan ng Melmac Sports ang mag-asawang Yael Yuzon at Karylle Tatlonghari-Yuzon kasama ang bandang Spongecola at si Frank Magalona para sumulat ng official song para sa Philippine Team.
Ang titulo ng awitin ay “Sabay Tayo” na ini-launch kamakailan sa Kamuning Bakery Café, Quezon City na pag-aari ni Wilson Flores. Ikinuwento nina Yael at Karylle na sobrang excited sila para sa ating 12 atleta na napili para sa Olympics 2016.
Tatlong linggo tinapos ni Yael ang kanta, “This song took us three weeks to write and record, medyo matagal din kasi sometimes I write a song like five minutes, sometimes a day or sometimes like 14 years.
Sabi naman ni Karylle, “May kasamang workout (habang sinusulat ang kanta) para ‘yung mga patak ng pawis nanggaling sa workout para kahit paano ay maramdaman din namin kahit ‘yung training, siyempre mahirap ‘yun.”
Dagdag ni Yael, “Parang you’re an actor or method actor na when you’re writing sports song, you wanna be doing sports. Sana ma-feel nila (mga atleta) na sa bawa’t category na gagawin nila ang lyrics ng kanta (Sabay Tayo).”
Kapwa hilig ng mag-asawa ang sports, “I’m into basketball, siya (K), naglalaro rin siya after her gym.”
Sabi naman ng TV host-singer, “It’s a bonding na rin with Yael, sometimes with my dad (Dr. Modesto Tatlonghari).”
Tinanong ang mag-asawa kung nag-aaway din ba sila? Sagot ni Yael, “Nag-set kami ng rule about that na if ever mayroon kaming argument and all, puwede ka lang magalit for two hours maximum.
“May joke kaming barkada na nagwo-work naman like may kaaway ka na five years na kayong hindi nag-uusap, kung sa mag-asawa, prep na ‘yun na nagsusuot na ng uniform at may favorite color, favorite song, favorite book at nagsasalita na.
“So kapag ganu’n na katagal ang galit mo, that’s too long at kapag 10 years ka nang galit, grade 3 na ‘yun. ‘Yung galit mo, ganyan na kalaking bata, na nagsasabing, ‘hi, hello tito, hello tita.’ Kaya gawin mo lang two hours ‘yung galit mo para embryo palang siya, kaya let it go. Because when you’re still mad after two hours, you’re wasting too much time, we’re only have like 65 years average life span,” katwiran pa ng bokalista.
q q q
Sa dalawang taong pagsasama nila bilang mag-asawa wala pa ba sa plano nila ang magka-baby. Sagot ni Yael, “Yeah, napag-usapan namin ‘yung entirety, pero hindi namin napag-usapan na gawin na ngayon or what parang, we wanna make sure na everything is in check like in terms of scheduling like kunyari if K has a child now, pag lunch time, nasa akin ‘yun, tapos ibibigay ko sa kanya ng mga hapon kasi ako naman ‘yung magwo-work sa gabi.
“So trafficking wise, medyo complicated siya, tapos hindi naman kami in a hurry to have a child and at the same time kasi if ever naman na we don’t have a child, I don’t have a problem either and she doesn’t have a problem with that either kasi we’re this kind of over populated.
“And tuition is very expensive, so I don’t really mind. I’m not one of those people na kailangang magkaanak, eh. I mean, hindi sa ayaw ko ng children ha, but just the idea na like tuition is expensive like in Ateneo, it’s just like buying a car and I’m pretty sure na if it’s a boy, pupunta ng Ateneo ‘yun kasi Ateneo ako, Ateneo dad ko, Ateneo mga tito ko, pinsan ko kaya there’s no way not going to our school and it’s gonna happen, one big fight.
“Kaya okay lang naman sa akin kahit hindi (magkaanak), ayoko rin namang mag-settle for anything less, I mean, very practical kasi akong tao, and okay naman kami kasi we’re enjoying talaga,” sabi pa ng bokalista ng Spongecola.
Sa pagkakaalam namin, Atenista rin si Karylle at nagtapos ng B.S. Management major in Communications Technology noong 2002 at dean’s lister pa. Samantala, AB English Literature naman ang natapos ng Spongecola vocalist taong 2006.
Nakakatawa dahil kinuwenta pa talaga ni Yael kung magkano ang magagastos sa biyahe kung sakaling may anak na sila ng asawa niya, “Kasi magiging plus $1,352 ang bawa’t isa kasi ano rin, pag travel mo, kakain din naman ‘yung baby.”
Pangarap mapuntahan ni Yael ang Guam at ang New York. Usually daw kasi ay sa Los Angeles siya pumupunta dahil nandoon ang relatives niya. Bukod sa Guam gusto ring puntahan ni Yael ang Ireland at Croatia dahil dito raw nagsu-shoot ang Game Of Thrones na talagang pinapanood niya.
Si Karylle naman ay pangarap mapuntahan ang Batanes island, “Hindi pa kasi ako nakakapunta ro’n kasi ‘yung Math teacher ko, naging pari at do’n siya sa Batanes ngayon.”