NASA gitna na naman ng kontrobersya ang komedyanang si Kakai Bautista matapos mag-react sa mga panlalait sa kanya ng bashers. May konek ito sa muling pagbisita sa bansa ng Thai superstar na si Mario Maurer.
Kung matatandaan natsismis noon sina Kakai at Mario na diumano’y may espesyal na relasyon matapos nilang gawin ang pelikulang “Suddenly It’s Magic” with Erich Gonzales. Kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot ni Kakai dahil sa intrigang iyon.
At nito ngang nakaraang araw, nag-post si Kakai ng mensahe sa kanyang Facebook account, bilang sagot sa pang-ookray sa kanya, kalakip din nito ang screen grabs ng palitan ng comments ng publicist na si Joyce Ramirez at ng isang friend nito sa FB.
Ayon kay Kakai, “Apat na taon na po akong nanahimik, never ko pong naipagtanggol ang sarili ko sa lahat lahat po ng panglalait na natanggap ko.
“Hindi ko po alam kung ano po bang nagawa ko sa kanila bakit ganun na lang ang galit nila sa akin. Pero sige lang kung ito lang po ang makakapagpasaya sa kanila, ibibigay ko na po. God Bless you all!” sey pa ng komedyana.
Sa pagkakaalam namin, unang nag-react si Kakai sa post ng reporter ng ABS-CBN na si Ian Reyno tungkol sa ginaganap na presscon ni Mario nitong weekend. Tatlong heart emoji ang inilagay ng aktres sa nasabing post.
Dito na nag-reply ang isa pang ABS-CBN reporter na si MJ Felipe ng, “Huwag po tayong humarot Kakai.”
Sagot naman ni Kakai sa biro ni MJ, “Baket? Hahaha! paano haharot, e baka nasa pinto pa lang ako ng Dusit Thani, itaboy na nila ako. Hahaha MJ Felipe, nako ayaw ni Joyce! Ahahaha!”
Kilala si Joyce sa showbiz bilang PR ng mga events noon ni Mario sa Pilipinas at dahil nabasa nga nito ang mga post ni Kakai, agad itong nag-reply ng, “Sinong Joyce naman ‘yan Kakai Bautista? Have you met me personally to warrant a name drop? Baka naka-drugs ka, I will kill you!”
Na sinundan pa ng, “Well it’s just her humor but why name drop me? I wasn’t the idiot who invented a delusional affair with Mario that’s why the Thais banned her from ever going near him.”
Wala na kaming nabasang komento ni Kakai sa mga naging pahayag ni Joyce. Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ng mga taong nabanggit para sa mas ikalilinaw ng isyu.