Dingdong magpapakitang-gilas sa pagluluto

dingdong dantes

MAGPAPAKILIG naman si Dingdong Dantes sa birthday episode ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning sa darating na Aug. 12. Bale itong araw rin ang huling episode ng morning program ni Yan na nasa final week na.

Magpapasampol din si Dong ng kanyang luto sa nasabing episode. Malay natin, dahil huling episode na, lumabas din ang kanilang panganay na si Baby Zia, huh!

Sa pamamaalam ng morning show ni Marian, ang Sunday PinaSaya na lang ang maiiwanang regular program ng GMA Primetime Queen sa Kapuso network. Pasulput-sulpot pa rin naman daw siya sa Kapuso fantasy series na Encantadia bilang si Ynang Reyna Mine-a, ang ina ng apat na Sang’gre.

Pero sabi nga ng misis ni Dong, dahil isa na lang ang show niya ngayon mas mahaba-habang oras na ang maigugugol niya para matupad ang birthday wish niyang more babies, huh!

Very vocal naman ang TV host-actress sa pagsasabing mas type niya ang maraming anak dahil love na love talaga niya ang mga bata. Siguradong mas magiging masaya rin daw ang kanilang tahanan kapag marami silang baby ni Dingdong. Kaya hangga’t kaya, go si Marian.

Read more...