PINABORAN ni Sen. Manny Pacquaio ang bitay sa pamamagitan ng pagbigti, sa pagsasabing mura lamang ito.
“Sisipain lang po yung upuan,” sabi ni Pacquiao.
Nagsagawa si Pacquiao ng kanyang kauna-unahang privilege speech bilang senador.
Tinanong si Pacquiao ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III kung anong paraan niya nais na ipatupad ang parusang bitay kung saan binanggit niya ang pagbigti, firing squad, silya elektrika, at lethal injection.
“Para po sa akin ay sa ngayon ay nanaig ay hanging or firing squad,” sabi ni Pacquiao.
“Dahil mura?” tanong naman ni Sotto.
“Sisipain lang po yung upuan,” sagot ni Pacquiao, dahilan para magtawanan sa loob ng session hall.
Sa kanyang talumpati, isinulong ni Pacquiao ang muling pagbabalik sa parusang kamatayan sa harap ng talamak na problema ng droga sa bansa.
“Kaya’t nararapat nating linawin na mula noon hanggang, hindi kailanman ipinagbabawal sa Saligang-Batas ang parusang kamatayan lalung-lalo na sa mata ng Panginoon,” sabi ni Pacquiao.
Manny isinulong ang bitay sa pamamagitan ng pagbigti: ‘Sisipain lang po yung upuan’
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...