Negosyante takot mag-produce ng pelikula dahil sa mga manloloko sa showbiz

BLIND ITEM FEMALE 0520

TANONG ng isang nagbabalak magprodyus ng pelikula, magkano raw ang kakailanganing puhunan?
Sagot namin, ano’ng ipoprodyus, indie o mainstream?

Dahil may isusugal na pera ang aming kausap, she wants to go for the big time. Entonces, isang mainstream movie ang nais niyang gastusan.

Still, depende pa rin ‘yon kung sinu-sino ang bubuo ng cast at kung sino ang magdidirek. But by standards, a little more than P15 million as capital investment ay katumbas na ng isang well-crafted film, basta hindi of epic proportions.

Pero kung hihigit pa roon ang ilalaan niyang production cost, then it must be a larger-than-life film, na ipagdasal ng produ na tumiba sa takilya para may maipampuhunan pa siya sa susunod niyang pelikula.

Sey niya sa amin, pag-iisipan daw muna niya. May agam-agam kasi siya na she might get the wrong people na imbes na kumita ang papasuking negosyo ay baka mabangkarote agad siya.

By wrong people, she was referring to the non-investors na baka mas malaki pa ang kikitain gayong wala namang perang inilabas ang mga ito.

Sa lengguawahe ng mga sugarolna jologs, mga patabaing baboy! Oink este ouch!

Read more...