Promise ni Barbie Forteza: Hindi muna isusuko ang ‘Bataan’ kay Kiko Estrada!

barbie forteza at kiko estrada

PUMAPAG-IBIG na nga ang Teen Princess na si Barbie Forteza. Nagagawa na niyang pag-usapan ang rumored boyfriend niyang si Kiko Estrada nang ipainterbyu siya ng GMA Artist Center kamakalawa ng tanghali.

Eh, mukhang aprubado rin ang madir ni Kiko na si Cheska Diaz dahil hindi raw ito umeeksena sa pagkakaunawaan nila ng Kapuso actor.

“Okey si Tita Cheska. Hindi siya umeeksena. Okay lang naman sigurong pag-usapan, Lendl (GMA Artist Center publicity specialist) bilang i-unfollow naman ako ni Andre? Ha! Ha! Ha!” ang sabi pa ni Barbie sa mga entertainment writer over lunch sa Limbaga Café 77.

Patuloy pa rin kasing umiikot ang tsismis na dinenay daw siya ni Kiko bilang girlfriend. “Hindi niya ako dinenay. Ano ba ang sinabi niya (Kiko)?” tanong niya.

Hindi raw kasi inaamin ng binata ang totoo. “Bakit inaamin ko ba? Ha! Ha! Ha! Hindi naman siya nag-deny!” tanggi niya.

Teka, hindi ba nagkukrus ang landas nila ni Kim Rodriguez na balitang naging girlfriend ni Kiko?“Nag-guest siya sa Sunday PinaSaya sa promo ng Hanggang Makita Kang Muli. Pero hindi kami nag-abot kasi nasa itaas ako (sa dressing room niya),” sagot ni Barbie.

Nagpalipat siya ng dressing room dahil guest si Kim? “Hindi! Siyempre iba naman ang dressing room ng hosts,” katwiran niya.

Ang lakas ng tanggi ni Barbie, huh! “Powerful ba? Ha! Ha! Ha!” bulalas niya. Eh sa set ba ng Sinungaling Mong Puso (kung saan isa sa cast si Kiko) pumupunta ba siya?

“Hindi ako pupumunta roon,” sagot ng Teen Princess. Pinapanood naman niya ang series? “Hindi! Ha! Ha! Ha! Hindi ko kaya!” tili niiya.

Boyfriend na ba niya si Kiko? “Stressful! Ha! Ha! Ha! Ang text kasi sa akin, ‘Tuos’ (movie niya saCinemalaya 2016) presscon ito. Na-stress ako! Birthday and Sunday PinaSaya,” dahilan niya.
Pero maganda na ang career niya, may boyfriend pa siya!

“Ay ano ba? Hay stressful! I need an interpreter. Paano ko ba siya sasabihin?” isip ni Barbie.Ano nga pala ang nagustuhan niya kay Kiko? May tiwala raw ang parents niya sa aktor, huh! Eh may image ang binata ng pagiging chickboy.

“Image lang naman ‘yon kasi. Talagang ang buguy-bugoy niya as a person. Parehas kaming mag-usap. Mausap siya kahit sa set ng Amboy,” katwiran niya.

Pero pagdating sa babae, seryoso raw si Kiko? “I hope so. Sana naman! Ayyyy!!!” diin ni Barbie.Basta huwag niya munang ibigay ang Bataan? “Ay wit (hindi)! Sarado ang tindahan!” deklara niya.

Ibinalik namin ang tanong kung ano ang nagustuhan niya kay Kiko? “Sagutin ko na? Ha! Ha! Ha! Ay teka lang. Kasi umi-effort siya para sa modern day na ganito. Umi-effort siya from South tapos nagda-drive siya. Kahit like from work, he would go to my part!” sagot ni Barbie.

Pagdating sa bagong series, next year pa siya magkakaroon. For the meantime, Sunday PinaSaya muna siya dahil bentang-benta ang panggagaya niya kay Kris Aquino sa programa, huh! Maraming manonood ang tuwang-tuwa sa kanya kapag ini-impersonate na niya ang TV host, lalo na kapag umiikot na ang mga mata niya at tumutulis ang nguso.

Dedma naman daw siya sa mga namba-bash sa ginagawa niyang panggagaya kay Kris. Ang importante raw ay mas marami siyang napapasaya sa segment na iyon ng Sunday PinaSaya.

Magkakaroon ng two parts ang first anniversary ng GMA Sunday show na gaganapin sa last week of August at first week ng September.

Read more...