Hindi na Virgin ang Girlfriend

Sulat mula kay Renz ng Sto. Nino, SFDM, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na September 25 mag-iisang taon na sana ang relasyon namin ng ng girlfriend ko hanggang sa isang araw may inamin siya sa akin na hindi na daw siya virgin. May nakauna na daw sa pagkababae nya at ito raw ang naging first boyfriend nya sa kanilang probinsya, kaya pala noong nagtalik kami ay hindi siya dinugo. Kaya sa ngayon nalilito at nanghihinayang ako kasi mahal na mahal ko po siya at siya pa lang ang unang naging girlfriend ko at siya na rin sana ang gusto kong mapangasawa ang kaso hindi na siya virgin. Paano kaya ito, kung halimbawang siya ang makakatuluyan ko, hindi kaya argabyado naman ako at hindi gaanong magiging maligaya dahil ang gusto kong mapangasawa ay isang babaing virgin? Ano po ba ang dapat kong gawin, iwasan ko na siya o hayaan ko lang kung talagang kami ay kami? August 25, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Renz ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang first love at kauna-unahang babaing naka-relasyon, tiyak ang magaganap wala kang magagawa sa itinakda ng kapalaran siya na nga ang iyong makakatuluyan at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Four of Hearts at Jack of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing lilipas ang apat na buwan, habang nakakawilihan nyo ng magtalik, bigla ang magaganap, mabubuntis siya at mao-obliga ka ng siya ay pakasalan, dahil ang totoo nito sa kabila ng katotohanang hindi na virgin ang GF mo ang totoo nga nito ay mahal na mahal mo naman talaga siya.
Itutuloy…

Read more...