Horoscope, August 07, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming salaping darating. Ipunin ang mga natatanggap na pera at regalo. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “yellow at green” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 4, 8, 18, 27, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Que-Benit.” Bukod sa yellow at green, ang red at pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Panahon na upang dagdagan ang puhunan upang lalong lumago ang kinikita. Sa pag-ibig, sa malayong pook may lihim na romansang naghihintay. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mabuting tumulong sa iba pero wag namang labis. ‘Yung pera sa negosyo, hindi dapat maging salapi para sa charity. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Mahirap mawalay sa pamilya, subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naaalala, ganoon din naman siya sa iyo. Sa muling pagkikita may napakasarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Pink at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag kokontra, igalang ang naging desisyon ng ng mga kasama. Sa pinansyal, oohan mo lang ng oohan ang kasuyo upang umunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Pagkakataon mo na upang sumikat. Sumali at makiisa sa mga gawaing panlipunan. Sa pag-ibig, bukod sa isang Aries ka-compatible mo rin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 28, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om.” Gold at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Malapit na ang iyong karaawan, dagdag na sipag ang dapat. Sapagkat sa panahong ito, isa-isa mo ng matutupad ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, isang isinilang sa buwan ng Oktubre ang bigla mong makakarelasyon, masarap na romansa ang kasunod. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” Silver at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Magkakapera ka kahit nasa bahay lang, kung lagi magpaganda at laging amoy bagong paligo. Sa pag-ibig, kapag laging mabango, may darating na mas mainit at mas masarap na romansa. Mapalad ang 6, 18, 27, 35, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Pink at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Isang Aries ang makakatulong upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagiging tapat at totoo sa kasuyong Taurus. Pula ang kulay na magpapasigla sa libidong pang-sexual. Mapalad ang 4, 16, 25, 37, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Bukod sa red ang green ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Magwawagi ang katunggali kung pababayaan lang siya. Ngayon pa lang, ahead of time, kumilos ka na, upang magapi ang kalaban. Gamitin ang lahat ng resources ng minamahal upang magtagumpay. Mapalad ang 3, 9, 13, 28, 36 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”. Red at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Gawin ang lahat ng makakaya upang dumami pang lalo ang iniipong pera hanggang sa yumaman ka nang husto. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahon upang ipalasap sa kasuyo ang pinaka-masarap na romansang hindi niya pa nararanasan sa tanang buhay nya. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, muling titibok ang puso, habang nakikiumpok sa isang social gathering. Sa pinansiyal, buksan ang dating kalakal na nagbigay ng malaking kita, produktong may kaugnayan sa pagkain ang dapat. Mapalad ang 4, 16, 23, 31, 40 at 49. “Aum-Bhanah-Bhanah-Om.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mga ilang araw pa, kusa ng mapapa sa iyo ang malaking halaga ng salapi na noon mo pa hinihintay. Dahil sa tinamong magandang kapalaran, i-blow-out ng isang gallon na ice-cream ang minamahal. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Violet at silver ang buenas.

Read more...