Young actress nagpadala sa sulsol kaya nawalan ng trabaho

BLIND ITEM WOMAN 0219

MADALAS kaysa sa hindi ay naaapektuhan ng mga bulong ang mga artista. Marami kasing amuyong na bubuyog sa kanilang paligid na nagpapalaki ng kanilang ulo.

Ang mga taong ‘yun ang dahilan kung bakit ikinakapit sa kanila ang makasaysayang litanyang nalunod sa isang basong tubig. Wala pa namang karapatang magyabang at magpairal ng kaartehan pero ganu’n ang ginagawa dahil ang akala nga nila ay sikat na sikat na sila.

Ang artista naman, porke puro papuri ang kanyang tinatanggap, nabubuyo na ngang maniwala na sikat na sikat na siya at hindi na puwedeng mawala sa mapa ng showbiz. Ganu’n mismo ang nangyayari sa isang young actress na nagiging problema na ng produksiyon.

Masyadong nagpapaniwala ang young actress na hawak na nga niya ang tagumpay, na kailangang-kailangan siya ng kanilang network, parang hindi mabubuo ang proyekto kapag nawala siya.

Kuwento ng aming source, “Mabait naman sana ang girl, kaso, maraming bulong brigade sa paligid niya. Puro superlatives ang mga sinasabi nila sa girl, kaya ayun, nagkaroon tuloy siya ng idea na sikat na nga siya!

“Imagine, tama bang ituro sa kanya ng mga amuyong niya na huwag siyang darating sa ibinibigay na calltime sa kanya ng production? Huwag daw siyang mauuna sa set, siya raw dapat ang hintayin ng production, dahil sikat na siya at importante ang role niya sa seryeng ginagawa niya!

“Ang hitad naman, nagpadala sa bulong ng mga utaw sa paligid niya, kaya ayun, palagi siyang dumarating nang late sa taping! Nandu’n na ang bida, pati ang iba niyang co-stars, pero siya, petiks-petiks lang, dahil kailangang siya raw ang hintayin ng production dahil important star siya.

“Palaging ganu’n ang kuwento, kaya ano’ng nangyari, Bradly Guevarra, kailangan ba talaga siya sa serye at hindi puwedeng mapalitan?

“Hay, naku! Ang mga artista talaga, mahilig makinig sa mga sulsol, kaya ayan, waley na siya sa istorya ng matagumpay pa namang serye,” nakataas ang kilay sa 20th floor na kuwento ng aming source.

Read more...