Juday: Walang nagbago…para pa rin kaming bagong kasal ni Ryan!

juday at ryan agoncillo

TODO ang pasasalamat ni Judy Ann Santos sa kanyang asawang si Ryan Agoncillo na hindi nagsasawang gumawa ng paraan para hindi siya ma-pressure sa muling pagpapapayat matapos ipanganak ang kanilang bunso.

Sa isang panayam kay Juday sinabi nitong lagi lang nandiyan si Ryan para suportahan siya sa lahat ng kanyang ginagawa, lalo na sa pagbabawas ng timbang, “Malaking factor sa isang babae na meron siyang malaking support who is ‘yung husband niya. Palabiro kasi si Ryan.

“Lahat nadadaan niya sa tawa. Napapatawa niya ako ng bonggang-bongga hanggang sa punto na feeling ko tabang-taba na ako, napa-punchline niya ako na hindi niya ako nahu-hurt,” sey ng Kapamilya actress.

Naikuwento pa nga ni Juday ang isang nakatutuwang insidente kung saan napatawa siya ng asawa kahit na medyo nade-depress na siya sa kanyang katabaan, “May isang time na nagwo-work out kami. Hirap na hirap ako. Sabi ko sa kanya, ‘Kapag ako pumayat…’ Tapos sabi niya, ‘Gusto mo ako na lang magpataba?’ May ganu’n siya!”

Nang matanong naman siya kung may mga nabago ba sa relasyon nilang mag-asawa ngayong tatlo na ang anak nila, “Wala namang nabago sa routine namin. ‘Yun nga lang, after five years, may baby kami ulit na inaalagaan. We look forward to going home kasi gising na si Luna by the time na makauwi kami from workout.”

“May mga moments na nagtitinginan lang kami tapos nagtatawanan lang kami. Para pa rin kaming bagong kasal. Hindi sa pagpo-promote ng sobra pero ganu’n kami. Nagho-holding hands pa rin kami,” kuwento pa ng lead star ng “Kusina”, isa sa official entry sa 2016 Cinemalaya na nagsimula na last Friday.

Read more...