Michael reregaluhan ang fans ng free concert

michael pangilinan

NGAYONG gabi na ang MOR Awards sa KIA Theater. Masaya ang event na ito kaya ang alaga kong si Michael Pangilinan na kararating lang from his Smart events sa Davao ay diretso agad sa ABS-CBN para mag-guest sa ASAP then takbo agad sa KIA Theater dahil tatlo ang portions niyang gagawin doon.

Nasa opening siya, then may solo spot siya to sing “Hanggang Kailan”, his carrier single sa second album niya sa Star Music and lastly magpi-present siya ng isang special MOR Award. Sana lang nakatulog kagabi si Michael sa Davao para may energy siya to keep going until late tonight. Ganyan talaga ang buhay, no room for complaints.

“Blessing po ito kaya okay lang sa akin ang mangarag sa work. Kaya ko naman, eh. Mas mahirap yung maghapon kang nakatunganga sa bahay doing nothing. Mas gusto kong busy ako para mas enjoy ang buhay, di ba?” ani Michael na lalong gumanda ang katawan dahil naaadik na siya sa gym.

This coming week will be very busy for Michael. Left and right lalo ang kaniyang commitments kaya next week na namin ini-sked ang ibang lakad niya. Kasi nga ang weekends niya ay kinuha na ng Smart BROKADA and usually ay out of town ang events nila.

Inaayos pa namin as of the moment ang final plan para sa kaniyang 21st birthday (debut) sa Nov. 26 sa isang venue sa Q.C.

Malamang na FREE CONCERT ang magaganap kasi nga gusto ni Michael na mag-give back sa mga fans na nagmamahal sa kaniya. Gusto niyang pasayahin ang mga ito for FREE. Bongga si bagets, di ba? Good luck, anak. May your tribe increase.

Read more...