Ser Chief ipinaglaban ang asawa sa magulang: Bias ang erpat ko, e!

richard yap

SAMANTALA, inamin ni Richard na dati niyang crush si Jean. Kaya tinanong namin kung hindi ba nagselos ang asawa niya, “Sinabi ko na yata sa kanya noon. Hindi na nga siya sumama ngayon sa storycon, sabi nga niya, ‘ikaw na ang bahala diyan.’

“Walang problema naman sa kanya (asawa) kung magka-crush ako, minsan sasabihin nga niya, ‘ang ganda nu’ng babae, oh.’ Ngayon wala na akong crush,” sabi ni Ser Chief.

May tiwala raw si Mrs. Melody Yap kay Richard, “We trust each other dahil alam naman niyang this is work. At saka sa tagal na namin, ang dami na naming pinagdaanan kilalang-kilala na namin ang isa’t isa.”

Hindi ba nahirapan noon si Richard na ipagpaalam sa magulang niya na walang dugong Chinese ang napangasawa niya.

“Traditional ‘yung parents ko, ‘yung lumang-lumang (angkan), kasi ‘yung lola ko, nakabalot ang paa, so siyempre gusto nila, mag-asawa ako ng Chinese, hindi ko maintindihan ang erpat ko kasi sa akin siya strict at sa brother ko, mga babae namin, pumapayag siya na hindi Chinese, so may pagka-bias ang erpat ko,” paliwanag ng aktor.

Sa tanong namin kung paano ipinaglaban ni Richard si Melody noon sa magulang niya, “Well, nagpaalam ako ng mabuti kasi ilang beses din niya ako tina-try na ipakilala sa iba at pinagbigyan ko siya actually, pero hindi talaga nagwo-work at sinabi ko kung sino ang gusto kong pakasalan at nagpaalam ako nang mabuti.”

At dahil maayos na nga ang katayuan ng pamilya ngayon ni Richard lalo’t asikaso siya ng asawa niya kasama na ang mga anak ay marahil ay nakita ng magulang ng aktor na tama ang desisyong ginawa nitong ipaglaban ang babaeng magpapaligaya sa kanya.

Read more...