Resbak ng bashers kina Mocha at Liza: Shut up na lang kayo!

mocha uson at liza dino

LIZA Dino came to the defense of Mocha who was bashed dahil sa hindi raw ito bagay na italaga bilang social media consultant sa Bureau of Customs. “Yung binabash ninyo, mas may pakinabang pa kaysa sa inyong mga walang ginawa kung di mangutya at mamuna.

“Mocha and I may not always see things eye to eye and yes, may mga opinyon syang hindi ako sang-ayon, but she doesn’t deserve all these hate. Below the belt na. “May paraan para ipahayag ang inyong opinyon na hindi kailangang manapak ng pagkatao at manirang puri.

“Kailangan na talagang magkaroon ng batas para supilin ang cyberbullying. Dahil sa social Media, lumalabas ang pagkawalang modo ng mga tao. Nakakalungkot.” ‘Yan ang hanash ni Liza sa IG photo niya ni Mocha. Sadly, netizens are not buying her aria.

“Eh di waw! eh kayo? kung makapanlait kayo sa mga kalaban ng kandidato niyo nung nakaraang eleksyon hindi lang below the belt below the ground pa!!! Tapos ngayon cyberbullying? Hindi lahat ng panahon tama kayo! shut up nalang kayo!”

“Sus! Nung election durog na durog sa inyo iyong mga celebrity endorsers ng ibang candidates tapos ngayon na nasampolan kayo ngangawa kayo ng cyber bullying?! Pag Duterte supporters ang inupakan cyber bullying pero pag iba okay lang i-bully? Wow! Double standards!”

Ilan lang ‘yan sa nabasa naming comments sa isang popular website.

Read more...