Mayamang politiko tinuhog ang mga sexy actress, may pera na may mga pabahay pa

BLIND ITEM MALE 0708

NAKAKALOKA ang mga naikuwento ng isang bugaling (read: bugaw) na kaibigan namin about his friend na isang rich ex-politician na parang aning-aning na yata. Napapraning daw ito sa mga pinaggagagawa niya sa sikat na mga female celebrities natin.

Nagwu-worry kasi si super-yamang ex-pulitiko at baka makita na lang daw niya one day sa TV or sa Facebook ang picture niyang napapaligiran ng mga sikat na sexy stars na naikama raw niya.

Inisa-isa pa raw niya sa friend namin ang names ng mga naka-date niyang sexy girls na dinala pa niya sa kanyang condo.

“Totoo naman kasing nagetlak (nakuha) niya ang mga girls dahil minsan nakakasabay ko pa ang iba sa kanila sa elevator pag hinahatiran ko ng babae si _____ (name ng pulitiko). Yung isang starlet na naging dyowa niya ay ikinasal na sa isang sikat na musician.

“Yung isa naman ay kabit na rin ng isang mayaman ding pulitiko na binigyan ng tatlong magagarang bahay at mamahaling sasakyan.

“Ang pinaka-love raw niya amongst all these girls ay yung controversial na starlet lately na may attitude. Sobrang gusto ng nanay ng girl yung politician dahil daan-daang libo ang ibinigay niya sa nanay ng sexy star na ito.

“Akala siguro ng nanay ay yayaman na sila dahil dati sa apartment lang sila nakatira. Ngayon ay isang member na ng girl group ang dyowa nu’ng politiko – spoiled ngayon ang girl sa kaniya.

“Lahat ng luho niya ay ibinibigay. Grabe, bumabaha ang pera sa condo na iyon sa BGC (The Fort). Kaloka!” sabi ng kausap nating bugaling.

Ang dami pala nilang dumaan sa palad ng pulitikong ito. Too many to mention. Nagulat ako dahil yung ibang nabanggit na names ay parang imposibleng papatol sa DOM.

Pero you know, pag pera na ang pinag-uusapan, iba talaga ang kamandag nito sa tao. Even a lost virgin will open her legs. Kaloka!

Clue? Kanino? Sa girls o sa pulitiko? Well, sa girls, yung niregaluhan ng tatlong magagarang bahay (one costs P35 million in Metro Manila, yung isa sa probinsiya nilang di naman kalayuan sa atin and the other is a posh condo unit somewhere in Manila rin), limang sasakyan, as in luxury cars talaga – is a beautiful naive-looking young actress na akala mo’y di-makabasag pinggan.

Pero basag na basag na raw ito sa kanyang dyowa na mayamang pulitiko malapit sa bayan namin. Ha-hahaha!

Ka-region ko siya. Bongga, di ba? Madalas na leading lady ito sa ilang soaps na napapanood natin. Ibang klase siya, di ba? Tatahi-tahimik, mukhang simple pero matinik pala sa lalaki at marunong mag-alaga ng dyowang mayaman.

Wala siyang kebs kung other woman lang siya basta ang mahalaga ay naiahon na niya ang pamilya sa kahirapan. Naiinis lang ang booker niya dahil di na siya naambunan ng grasya ng said girl. Madaling nakalimot.

“Ako lang ang nagpakilala sa kaniya doon, inilakad ko siya sa pulitikong iyon. Pero ngayon ay di na siya nagri-replay sa text ko,” ang pagsisintir pa ng kakilala namin.

Ha-hahaha! May himig bitternes, di ba?

Read more...