Jerome, Loisa may happy ending kaya sa Wansapanataym?

loisa andalio at jerome ponce

Photo courtesy of entertainment.abs-cbn.com

PAGMAMAHAL ang mamamayani sa pagtatapos ng Wansapantaym Presents: Candy’s Crush ngayong Linggo ng gabi dahil halik ng tunay na pag-ibig ang huling sangkap na kukumpleto upang bumalik si Paulo (Jerome Ponce) sa kanyang dating anyo.

Matapos hindi tumalab ang antidote na ginawa ni Candy (Loisa Andalio), isang albularyo ang lalapitan ni Paulo para tuluyan nang maalis ang kanyang pagkakasumpa.

Dito naman niya malalaman na ang nag-iisang sangkap na kailangan nilang mahanap ay ang halik ng tunay na pag-ibig na magmumula lamang sa iisang babae totoong nagmamahal sa kanya – si Candy.

Tuluyan na nga kayang bumalik sa dating anyo si Paulo? Ito na rin kaya ang pag-uumpisa ng pag-iibigan ng dalawa? Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa pagtatapos ng Wansapanataym Presents: Candy’s Crush ngayong Linggo sa ABS-CBN.

Read more...