Drug lord binigyan ng VIP treatment?

MALAKING kapalpakan ang ginawa ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, chief ng Philippine National Police (PNP), nang pinatulog niya ang isang pinaghihinalaang drug lord sa “White House,” ang kanyang official quarters sa Camp Crame.

Si Mayor Rolando Espinosa Sr. ng Albuera, Leyte ay iniimbestigahan tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa pagkakalat ng illegal drugs sa rehiyon ng Leyte at Samar .

Binigyan ng kuwarto si Espinosa sa malaking official residence ng PNP chief.

Ang inokupahang kuwarto ng suspected drug lord ay yung tinutulugan ng anak ni Bato.

Hindi na nahiya si Bato na aminin sa press conference kahapon na ang kuwartong pinagtutulugan ng kanyang guest ay nangamoy ng usok ng sigarilyo.

Nanigarilyo ang kumag sa loob mismo ng kuwarto kaya’t nangamoy ito.

Sobrang nerbiyos ang unggoy kaya’t yosi ng yosi.

Malamang ay naghasik pa ng amoy sa comfort room ng kuwarto. Ang taong
sobrang nerbiyos ay nagtatae at naiihi.

Pinatulog na nga sa bahay ni Hepe, umabuso pa.

Talagang abusado! Baka akala ni Mayor nasa drug den pa niya siya.

Baka naman umiskor pa ang damuho sa loob ng kuwarto!

Ang dahilan ni Bato kung bakit niya pinatulog si Mayor Espinosa sa kanyang bahay ay di pa naman daw nakakasuhan ito at ginawa raw itong “hostage” upang sumurender ang kanyang nagtatagong anak na si Kerwin.

Binigyan si Espinosa ng ultimatum ni Presidente Digong na sumurender o babarilin siya ng mga pulis kapag siya’y nakita.

Dali-daling sumurender ang pinaghihinalaang mastermind sa pagpatay ng ilang katao sa Albuera dahil takot itong mamatay.

Nagdrama pa ang kenkoy sa harap ng TV nang paiyak siyang nanawagan sa kanyang anak na sumuko na rin.

May pusong mamon itong si Bato dahil nadala siya sa paiyak-iyak ni Espinosa.

Pinabulaanan ni Espinosa ang mga intelligence reports na siya’y sangkot sa pagkalat ng droga sa Samar at Leyte.

Pero mismong dalawang bodyguards ng mayor ang nagturo sa kanya na siya’y top drug honcho sa Eastern Visayas. Ang dalawang bodyguards ay nahuli sa isang buy-bust operation sa bayan ng Albuera mismo.

Pagpalagay nating walang matulugan si Espinosa sa Maynila dahil siya’y isang siyanoy na taga Leyte .

Pagpalagay nating wala pang kaso laban sa kanya.

Pero bakit hindi na lang siya pinatulog sa hotel na may police escorts?

Anyway, sa kanyang pera na galing diumano sa droga puwede siyang tumira sa isang five-star hotel sa Makati kahit na isang taon.

Napakababaw ang dahilan ni Bato kung bakit pinatulog niya si Espinosa sa kanyang official residence.

Isang congressman sa Northern Luzon ay drug lord sa kanyang probinsiya.

Ang kanyang kapatid na town mayor ay drug lord din.

Public knowledge ang involvement ng magkapatid na congressman at mayor sa pagkalat ng illegal drugs sa kanilang probinsiya.

Sana tumimbuwang ang dalawa sa kalye upang mawala ang salot sa probinsiya nila.

Dapat pagtuunan ng PNP ang ibang krimen at hindi lang droga.

Halimbawa, mara-ming hina-hijack na cargo trucks sa Quirino Highway sa pagitan ng Sipocot, Camarines Norte at Guinyangan, Quezon province.

May ilang mga driver na cargo truck at kanilang mga pahinante ang walang awang pinatay ng mga hijackers.

Ano naman ang silbi ng mga miyembro ng Highway Patrol Group ng PNP sa mga nasabing lugar?
Baka naman nagkakamot lang sila ng kanilang mga itlog.

Read more...