AKO ay 56 years old na subalit ako ay walang trabaho. Parehas kami ng asawa ko na walang trabaho bagaman ang dalawang anak namin ay may trabaho na. Gusto ko sanang itanong sa PhilHealth kung pwede kaming mag-asawa na maging depedents ng mga anak namin? Ang tatlong anak namin na below 21 years old ay dependents ng panganay naming anak. Kung sakali kaya, pwede ba kaming i-declare ng pangalawang anak namin bilag dependents nya?
Melda de Guzman
Brgy Maninding
Sta. Barbara
Pangasinan
REPLY: Gng. De Guzman:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na sakop ng PhilHealth coverage ng miyembro ang mga sumusunod:
1. Legal na asawa na hindi miyembro ng PhilHealth
2. Anak na mababa sa 21 taong gulang, walang trabaho at asawa
3. Anak na 21 taong gulang pataas mgunit may kapansanan*
4. Foster Child (Base sa Foster Care Act of 2012 o RA 10165)
5. Magulang na may permanenteng kapansanan*
* Kinakailangang magsumite ng Medical Certificate na nagsasaad at nagpapatunay ng kapansanan
Hindi po kabilang sa mga kwalipikadong dependents ng miyembro ang mga magulang na kahit anong edad. Ang maaari lamang pong ideklara ay ang mga magulang na may permanenteng kapansanan kahit na ano pa po ang edad.
Amin pong pinapayo na kung kayo po ay 56 years old, maaari po kayong magpamiyembro sa ilalim ng Informal Economy category (Individually Paying Member) upang makapag-avail ng PhilHealth benefits.
For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.