SA Greece magse-celebrate ng kanilang 6th monthsary sina James Reid at Nadine Lustre. Ito’y kasabay na rin ng taping nila para sa bagong serye ng ABS-CBN na Till I Met You.
Excited na ang magdyowa at magka-loveteam sa pagpunta nila sa Greece dahil may listahan na raw sila ng mga lugar doon na kanilang bibisitahin. “Ako super excited sa food, definitely makapasyal at makakapasyal naman kami,” chika ni Nadine sa panayam ng ABS-CBN.
Sey naman ni James, looking forward siyang makita roon ang, “Of course, the views, the sunsets, the restos, I’m really excited.” Marami raw silang lugar na iikutin sa Greece kung saan kukunan din ang ilang mahahalagang eksena nila together para sa Till I Met You na malapit n’yo nang mapanood sa Primetime Bida.
“Yes, we’re excited, this one is very different, it’s very daring, more challenging, more mature so excited,” sey ni James. Chika naman ni Nadine, “Ako for me I guess mas masaya kasi every week iba ‘yung kasama namin, may mga guest kami.
We just wanna do our best, we want people to like it. Nandu’n pa rin po siyempre naman ‘yung pressure to do good.” Para naman kay James, ngayon pa lang ay ramdam na nila ang pressure dahil siguradong mas mataas ngayon ang expectation ng manonood sa next series nila, “Coming from OTWOL (On The Wings Of love), it rated so well, it is such a big hit so there’s that pressure to meet that standard.”
Sa ngayon daw mas marami silang bonding moments together sa gym, “We go to the gym a lot now, mas fit and healthy.” Natutuwa rin si Nadine na suportado ng kanilang parents ang relasyon nila ni James, “They are very supportive especially my parents.
It’s different ’cause before weird sila before eh, they weren’t strict pero ayaw nila, but now they’re just happy.”