Movie date nina Maja at John Lloyd walang malisya

mcha uson

Lumikha ng ingay ang sweet picture na ipinost ni Maja Salvador kasama si John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account. Inakala kasi ng kanyang followers na may “something ” na sa kanila ng Kapamilya actor.

Kuha ang nasabing larawan nang sabay nanood sina Maja at Lloydie ng “How To Be Yours” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ex ni Maja si Bea habang na-link naman si John Lloyd kay Bea.

Marami ang nag-comment na bagay daw sila, meron namang nagsabi na may kilig at may chemistry ang dalawa. Pero siyempre, hindi nagpatalo ang mga bashers na kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato kay Maja.

Sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Huwebes, nagpadala ng mensahe ang handler nina John Lloyd at Maja na si Neneth Rustia para linawin na hindi romantic date ang nangyari sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars.

Sabi ng handler, “Dating? Kung dating yun, hindi sila magpu-post, especially si John Lloyd. At kasama kami last night, marami kami. “Yun lang yung tulong nila sa kaibigan nilang si Bea.”

Read more...