Mocha: Wag kayong mag-alala di mapupunta sa akin ang tax n’yo!

rody duterte

O, HAYAN ha, hindi true ang chika na in-appoint ni Pangulong Duterte ang nagpapaseksing singer-dancer na si Mocha Uson bilang social media consultant ng Bureau of Customs. Grabe kasi ang reaksiyon ng ilang netizens nang biglang pumutok ang nasabing balitang na agad namang nilinaw ng BOC.

Talagang puro kanegahan ang mga nabasa naming komento laban kay Mocha. Inamin naman ng sexy singer na nasaktan siya sa mga pinagsasabi ng ilan nating mga kababayan, lalo na ‘yung mga nag-throwback pa sa mga pinaggagagawa ni Mocha noong kasagsagan ng pagiging sex guru niya sa isang magazine at sa dati niyang blog.

Sa report ng Bandila the other night, nilinaw ni Mocha na hindi siya appointed bilang social media consultant ng Customs, “Walang official statement na si Mocha Uson ang social media consultant ng BoC. ‘Wag po kayo mag-alala hindi po mapupunta sa akin ang tax ninyo.

Walang ganu’n kasi ako ang nagboluntaryo na tumulong po sa lahat po ng ahensiya ng ating gobyerno.”
Pahabol pa ng singer, “Kaysa mag-bash po tayo, ang advice ko eh lumabas po iyong mga bashers sa kalsada at umaksyon, tumulong po tayo. Make good use of your time.”

Read more...