3 Kapuso comedian magbibiritan sa harap ng Songbird

regitne velasquez

MAY bonggang-bonggang biritan na magaganap ngayong araw sa favorite n’yong cooking show with a big twist, ang Sarap Diva sa GMA 7. Samahan si Regine Velasquez sa isang umagang puno ng kantahan, chikahan at tawanan pa more.

Makising-along sa mga pambatong komedyante ngayon ng Kapuso network na sina Pekto, Nar Cabico at Osang sa isang biritan na matira ang matibay ang laban! Sino nga kaya sa kanila ang magwawagi?
May Korean inspired pancit na pasabog din ang nag-iisang Asia’s Songbird para sa pananghalian na maaari n’yong ipatikim sa inyong pamilya, kaibigan at mga katropa.

Kaya kita-kits ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA 7 lang!

Read more...