Richard Poon, Richard Yap magsasama sa concert

richard yap

ISANG taon na ang nakararaan nu’ng naisip ni Cornerstone Entertainment CEO Erickson Raymundo na pagsamahin sa isang concert sina Richard Poon at Richard Yap.

Nang banggitin sa amin ito ng publicist ng Cornerstone na si Caress Caballero ay gusto namin ang ideyang pagsamahin sa isang show ang parehong chinito, pero paano ang magiging takbo ng show?
Hindi sa minemenos namin si Ser Chief dahil may album na rin naman siya na inilabas noong 2013 kasabay ng seryeng Be Careful With My Heart at talagang sinuportahan ito ng kanyang fans dahil halos lahat ng kanta sa album ay ginawang theme song ng kilig-serye nila ni Jodi Sta. Maria.

Mas marami nga lang kantang puwedeng i-contribute si Richard Poon dahil sa rami ng album na nagawa na niya na umabot pa sa Gold at Platinum status. Sabi sa amin ni Caress, “Hintayin mo lang birthmate (tawagan namin), maganda ang ideya ni Erickson.”

True enough, nu’ng makausap namin ang dalawang Richard sa promo pictorial nila ay nabanggit sa amin ni Mr. Poon na gagawa sila ng album ni Mr. Yap na puro Sinatra songs ang sa kanya habang pop hits songs naman ng 80’s at 90’s ang kay Ser Chief.

Ang maganda rito, sabay na rin ang launching ng kanilang album sa concert nilang “Richard And Richard The Chinito Crooners: A Salute To Classic Love Songs” na mapapanood sa The Theater at Solaire, Agosto 26, 8 p.m..

Saad ni Ser Chief, “We’re trying to revive the older songs which have very nice lyrics and make the younger ones appreciate it and making them more upbeat. So I hope magustuhan ng younger generation as well as generation din namin.”

Biro naman ni Richard Poon, “Ako naman, I know na ang market namin ay nanay at lola, walang choice ang anak kundi sumama dahil ang nanay ang bumili ng ticket. ‘Yung mga kanta, I agree with Richard (Yap) na ‘yung mga kanta ay gagawin naming upbeat so that the younger ones won’t say na it’s boring concert, it’s exciting energetic concert kaya ‘yun ang gagawin namin.”

Sana dalhin din ito ng Cornerstone Concerts sa Smart Araneta Coliseum para naman sa CD crowd na gustong mapanood ang dalawang Chinito crooners.

Read more...