MRT, LRT beep card maaari nang gamitin sa mga P2P bus

MAAARI nang magamit ang mga beep card na ginagamit ng mga pasahero sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) bilang pambayad kapag sumasakay sa mga point-to-point (P2P) bus, sabi ng kompanya na nasa likod sa tap-and-go payment system.
Sinabi ng AF Payments, Inc., isang consortium ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at Ayala Corp., na pwedeng gamitin ng mga pasahero ang beep card kapag sumasakay sa Froehlich Tours, isa sa mga P2P bus system sa Metro Manila.
“This covers the routes Trinoma to Glorietta 5 and vice-versa, and SM North EDSA to SM Megamall and vice-versa,” sabi ng kompanya sa isang pahayag.

Aabot ng P55 ang pamasahe mula sa Trinoma hanggang Glorietta 5, samantalang P40 mula SM North hanggang Megamall.
“This is the first time that we’re implementing the beep system for a premium P2P bus line. We hope that commuters enjoy the convenience using beep card and the comfort of Froehlich Tours’ modern bus fleet,” sabi ni Peter Maher, presidente at CEO ng AF Payments, Inc.

Read more...