Inaasahan namang pangangalanan anumang oras ang 27 halal na lokal na opisyal na tinaguriang “narco-politicians.”
Ipinagtanggol din ni Duterte ang mga pulis at sundalo sa harap naman ng alegasyon ng pagkakasangkot sa extrajudicial killings.
“And ako I will for as long as it is done in the performance of as duty by the soldier and the police, akin yan that is my official and personal guarantee. I will answer for the deed. Punta ka sa akin, kung sino kesehoda gusto mag-usap tayo,” ayon pa kay Duterte.
Itinanggi rin niya na sangkot ang mga pulis sa pagtatanim ng mga ebidensiya.
“Basta sabihin mo, pag may pulis diyan nag engkwentro wag nyo imbestigahan yan. Order ko yan. Maniwala kayo yang pulis na yan hindi yan pinaplant,” sabi ni Duterte.
May mensahe rin si Duterte sa mga isinasangkot sa droga.
“Kung mabuhay pa ko huwag nyo akong bullshitin maghanap na lang kayo ng kasalanan huwag yan siguro mamatay kayo,” ayon pa kay Duterte.