Greats kontra Stalwarts sa 28th PBA All-Star Weekend

ISASAGAWA ngayong gabi ang mga paunang laro patungo sa tampok na labanan sa pagitan ng North at South All Stars sa  28th PBA All-Star Weekend sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Naunang itinakda na isagawa sa Dubai, United Arab Emirates noong Marso 4-6, sinimulan ang aktibidad kahapon sa meet and greet session ng mga fans at PBA players sa Farmers Plaza sa Cubao.

Inaasahang mag-iinit ang aktibidad sa pagsasagawa ngayong gabi ng Obstacle Challenge,
3-point shootout, slam dunk competition at ang blitz game sa pagitan ng Greats at Stalwarts.

Gaganapin naman bukas ang clinic para sa mga referees at kabataan na interesadong matuto ng larong basketball na isasagawa sa isang covered court sa Quezon City, isang basketball fair at isa pang meet and greet session sa Food Court ng Big Dome.

Isasagawa rin ang exhibition game sa pagitan ng mga piling PBA board members at executives kabilang na si PBA Commissioner Chito Narvasa, 1-Pacman Representative at GlobalPort Batang Pier team owner Mikee Romero at Special Assistant to the President Christopher Go kontra sa mga miyembro ng PBA Press Corps.

Sa huling araw ng All-Star Weekend ay gaganapin ang shooting stars contest at ang women’s 5×5 basketball exhibition bago ang exhibition game sa pagitan ng North All-Stars at South All-Stars.

Read more...