Ai Ai abonado pa kapag nagko-concert sa ibang bansa

 

NAGTULUNG-TULONG ang matatagal nang fans ni Ai Ai delas Alas mula sa South Korea upang makapunta siya roon at magkaroon ng show.

Eh kilala rin ng Comedy Queen ang grupo ng fans niya kaya naman nang magkaroon ng libreng oras eh, pumayag siyang mag-concert sa SK.

Komo nga may beneficiary ang proceeds ng concert niya, hindi naniningil ng regular niyang talent fee si Ai Ai pag may concert abroad. Mas gusto kasi niyang makatulong at makapagpasaya ng mga kababayan natin abroad kahit sa ganu’ng mga bagay lang.

Kapag nga ganito ang sitwasyon, minsan ay nag-aabono pa ang Comedy Queen sa gastos upang mas maging maganda ang show na mapapanood ng mga Pinoy abroad.

Tatapusin muna ni Ai Ai ang first anniversary ng Sunday PinaSaya sa GMA ngayong buwan bago harapin ang rehearsals ng show niya sa South Korea.

Read more...