Kakai ipinagtanggol si Maja sa bashers: Totoo, may attitude ang BFF ko!

maja salvador at kakai bautista

UNFAIR kay Maja Salavador ang nasulat na tsutsugihin siya sa Ang Probinsiyano dahil nag-prima donna siya.

Unang-una, baseless ang accusation. Hindi sinabi kung paanong naging prima donna si Maja. Hindi rin binanggit kung anu-ano ang pinaggagawa niya para ikagalit sa kanya ng production. We have never heard stories of Maja’s unprofessionalism in the past at kahit sa taping ng Probinsiyano ay wala umaangal sa kanya.

Truth is, Maja has requested the management to boot her out of the show. Yes, siya mismo ang nagbitiw sa programa. Ang chika, hindi na raw feel ni Maja where her character is going in the teleserye. Para nawala kasi ang focus sa character nila ni Coco Martin.

Kaya tigilan kami ng prima donna churva na issue na ‘yan, ha. Si Kakai Bautista nga, todo tanggol kay Maja dahil alam tlaaga niyang never na naging sakit ng ulo sa production ang dalaga. “Oo may may attitude ang bestfirend kong si @princessmaja! POSITIVE ATTITUDE. ‘Yun lang at wala nang iba!” tweet ng comedienne.

 

Read more...