Lalo naming ipapakita ng asawa ko ang pagmamahal namin sa isa’t isa hanggang sa mapurga kayo!- Aiza

aiza srgurra

HINDING-HINDI hahayaan ni Aiza Seguerra na bastusin at pagsalitaan ng masasama ang kanyang asawang na si Liza Dino ng kanilang mga bashers.

Una nang sinagot ng singer-actor ang mga netizen na bumatikos kay Liza matapos itong magkomento tungkol sa pagpatay sa mga kababayan nating diumano’y may konek sa ilegal na droga. Isa nga sa basher nila ang nagsabi pa ng mahahalay na salita laban kay Liza.

Sa media launch ng Maalaala Mo Kaya 25 commemorative album na “MMK Life Songs”, kung saan isa siya sa featured artist, natanong si Aiza kung paano nila hinaharap ang bagong kontrobersiyang kinasasangkutan nilang mag-asawa, “Siguro, normal lang ang bashing sa trabaho namin. Bata pa lang ako nae-experience ko na ‘yan.

“Wala pang social media, I have been bashed left and right because of who I am, because of my preference, gender identity. Pero ibang usapan na kapag asawa mo na ang pinag-uusapan. Most of us na may mga asawa would understand. Ako tirahin nila, wala akong pakialam.

“But when it comes to my wife, siguro doon lang hindi ko kinakaya because, somehow, I feel responsible because she chose to be with me. And siguro, at the same time, napurga na rin ako parati sa sinasabi na wala akong pakialam.

“Talaga, if someone you love is being bullied, hahayaan mo lang? Parang if someone you care about is binabastos ng ganun, hinahayaan mo lang? I mean, lalong dadami ang mga ganyang klaseng tao dahil nagtatago sila sa Facebook, e.

“Kung kailangan ko silang pangalanan, papangalanan ko sila. Kung kailangan kong ilabas ang itsura nila, gagawin ko dahil dapat matuto tayo ng accountability,” may halong galit na pahayag pa ni Aiza.

Punto pa ng singer, “Oo, we’re all for freedom, pero freedom comes with responsibility and accountability. If you don’t know how to be responsible and accountable for your actions, I don’t think you deserve that freedom, I’m sorry,” aniya pa.

Dagdag pa ni Aiza, “Lalo naming ipapakita sa inyo kung gaano namin kamahal ang isa’t isa hanggang mapurga kayo! Wala kaming pakialam.

“Meron mang sampu na mangutya, may ma-inspire lang kami na dalawa na mag-come out, sabihin nila na, ‘Dahil kila Aiza at Liza, naging matatag ako, ang puso ko na sige kahit may nangungutya. I would still come out, I will be who I am.’ Enough na yun sa akin,” chika ng singer.

Read more...