Magkakatotoo kaya ang pangarap na makapag-Dubai?

Sulat mula kay Anna ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay kasalukuyang namamasukanb bilang katulong pero pansamantala lang ako sa aking amo dahil sa kasalukuyan ay may aplay po ako sa Dubai bilang D.H. Ang problema sa ngayon mag-isang buwan na ko naghihintay, pero wala pa rin silang tawag. Nag-follow-up na rin ako sa agency na pinag-aplayan ko at ang sabi ay pipoproseso na daw ang mga papeles ko. Sa ngayon ay naiinip na ako dahil yong ibang mga kasabayan ko ay naka-alis na. Itatanong ko sana Sir Greenfield kung matutuloy na kaya ako sa pangalawang subok ko na ito na makapag-abroad? Ito na lang kasi ang naiisip kong paraan upang maiahon ko sa kahirapan ang aming pamilya? At magkakaroon kaya ako ng mabait na amo? June 10, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Anna ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa panahong ito ng iyong buhay, basta’t patuloy ka lang na umasa at maghintay sigurado na ang magaganap, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Hearts, Nine of Diamonds at Queen of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga nagsasabing sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Setyembre, makapagdu-Dubai ka na at ang lalaking magiging amo mo ay lubhang magiging mabait sa iyo.
Itutuloy…

Read more...