Flashback Friday

jonalyn viray

BATA pa lang ay mahilig nang sumali sa mga singing contest si Jonalyn Viray, ang pinakamatanda sa apat na magkakapatid na laking-Marikina. Nag-first runner-up siya sa IBC 13’s Birit Bulilit at naging finalist din sa MTB Teen Popstar.

Sa edad na 15, sumali siya sa Pinoy Pop Superstar ng GMA 7 kung saan siya ang itinanghal na grand winner. Idol niya sina Whitney Houston, Mariah Carey, Regine Velasquez at Kelly Clarkson.

Naging bahagi rin siya ng La Diva kasama sina Aicelle Santos at Maricris Garcia. Nagkaroon din sila ng album na bumenta ng mahigit 10,000 copies. Mas lumutang din ang kanyang powerful voice dahil sa kanyang pa-whistle ala-Mariah. Kamakailan lang ay nilayasan na niya ang GMA at lumipat sa ABS-CBN at bahagi na ng ASAP Birit Queens. Pinalitan na rin niya ang kanyang screen name – tawagin na lang daw natin siyang JONA!

Read more...