Gary sablay sa ASAP; tao lang na nagkakamali

gary v

SPEAKING of Gary V, kahit isa na nga siya sa music icons natin ay nararanasan pa rin nitong magkamali while performing.

Sa nakaraang tribute kay Maestro George Canseco sa ASAP noong Linggo ay kitang-kita ang pagkakamali ni Mr. Pure Energy sa pagkanta ng “Ngayon”. Siya pa naman ang unang-unang singer na pambungad sa mga featured song ng napakagaling na si Canseco, pero ganu’n talaga sa live show, wala namang perfect, di ba?

Bigla naming na-recall ang mga moments na nagbibigay ng payo si Gary sa mga aspiring singers and even with those professionals who tried reality searches na huwag nga daw makampante sa galing ng boses nila, na kesyo professional at magaling ka na ay hindi ka na puwedeng magkamali.

But a real trouper that he is, Gary pulled the song with his usual “madamdamin” way. Pagpapatunay nga na kahit ilang libong beses nang kumakanta sa entablado ang gaya ni Gary ay tao pa rin siyang nagkakamali o nakakalimot sa lyrics ng kanta.

q q q

Uy, si Gary Valenciano din ang narinig naming kumakanta ng theme song ng “Barcelona”, ang pinakahihintay na movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “I’ll Never Love This Way Again” (ni Dione Warwick) ang title ng movie them ng KathNiel movie na siguradong magpapa-LSS na naman sa atin what with the way Gary Valenciano sang it.

Maganda ang teaser ng movie na kinunan nga sa Barcelona, Spain under Star Cinema na sinasabing muling magpapatunay na isa pa rin ang tambalang KathNiel sa pinakapopular ng loveteam sa bansa. Ayon nga sa dalawang Kapamilya stars, mas mature na sila sa film na ito.

Read more...