AiAi Delas Alas puro organic lang ang kinakain kaya seksing-seksi na

aiai delas alas at gerald sibayan

MATAGUMPAY ang Comedy Concert Queen sa ginagawa niyang disiplina sa pagkain. Hindi na siya kumakain ng karne ngayon, kung hindi man niya ‘yun maiiwasan ay konting-konti lang ang kinakain niya, huwag lang siyang bumagsak sa sobrang gutom.

Puro organic ang kinakain niya, puro gulay at isda ang kinakain niya ngayon, konting kanin lang ay okey na si Ai Ai delas Alas.

Kitang-kita naman kung gaano kalaking timbang na ang nawawala sa kanya ngayon, sexy na ang komedyana, napakalaki nga naman ng nagagawa ng disiplina sa ating kalusugan.

“Magaan ang katawan mo sa pagtatrabaho, nakakaiwas ka pa sa sakit, kaya talagang kina-career ko ang food intake ko ngayon. Puro organic, ‘yung walang mga chemical, kailangan nating alagaan ang katawan natin dahil nag-iisa lang ito,” kuwento ng magaling na komedyana.

Maganda ang relasyon nila ni Gerald Sibayan, badminton ang kanilang bonding, magaling na player si Gerald at nagkakilala sila nang dahil sa nasabing laro.

“Wala na akong masasabi pa, napakabait ng taong ‘yan. Maganda ang ugali, matiyaga, hindi mapapel, mamahalin mo talaga siya,” pagbibigay-papuri pa ng komedyana sa kanyang boyfriend.

At hindi lang siya ang pumupuri kay Gerald Sibayan, mahal din ito ng kanyang mga anak, ngayon lang naranasan ni Ai Ai ang pakikipagrelasyon na walang kumokontra sa napili niyang mahalin.
“Sa totoo lang!” pagsang-ayon ng Comedy Concert Queen.

Read more...