Customs dinenay na binigyan ng posisyon ni Digong si Mocha Uson

 

SO, hindi pala totoo ang kumalat na balitang in-appoint ni Pangulong Duterte ang singer-dancer na si Mocha Uson bilang social media consultant ng Bureau of Customs.

Ayon sa report ng ilang online news organization, mismong si Digong daw ang pumili kay Mocha para sa nasabing posisyon. Kilalang die hard supporter ng presidente ang sexy singer at talagang aktibo ito sa social media.

Ngunit agad namang naglabas ng official statement ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng official Twitter account nito. Sabi ng ahensya, “Comm. Nicanor Faeldon will not appoint Mocha Uson as BOC Social Media Consultant but she can write articles about BOC on her blog.”

Hindi nga kaila na isa si Mocha sa showbiz personalities na sagad hanggang buto ang suporta kay PDigong nu’ng tumatakbo pa ito. Wala siyang pakialam sa kanyang mga kritiko kesehodang bulatlatin ang pagpo-pose niya ng hubo’t hubad sa mga magazine!

Marami ang nagsasabi na imposibleng hindi siya bigyan ng posisyon ni Duterte dahil halos itaya na niya ang kanyang buhay para lang kay PDigong tulad nina Arnell Ignacio, Jimmy Bondoc at Freddie Aguilar.

 

Read more...