Marian, Jennylyn pinatunayang walang silent war; namalengke at nagluto

 

TINULDUKAN na nina Marian Rivera at Jennylyn Mercado ang pagsasabong na ginagawa sa kanilang dalawa.

Ang guesting ni Jen sa Yan Ang Morning ni Marian ang ebidensyang walang namumuong banggaan sa pagitan nila. Namalengke, nagluto at nagkachikahan sina Jennylyn at Marian sa episode na ‘yon.

Pinost ng manager ng Ultimate Star na si Becky Aguila ang pictures ng dalawa sa Facebook account niya. Walang bahid ng kaipokritahan ang closeness nila, huh!

Sa Lunes, Agosto 8, mapapanood sa YAM ang chikahan at kulitan nina Marian at Jennylyn.

 

Read more...