TYPE na type pala ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio ang 2016 FHM Sexiest Woman na si Jessy Mendiola. Ito ang diretsong inamin ng binata nang makachika ng ilang members ng press nag pumirma siya ng contract sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.
Sinabi ni Derrick na ready na siyang sumabak sa daring and mature roles, “Okay lang po yun. Nasa tamang age na rin po ako, e. Handa na ako. Siguro yung hindi lang kita lahat, hindi naman completely bold. Actually, wala naman akong limitations, basta okay yung project.”
Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makatambal sakaling gumawa siya ng sexy film, “Jessy Mendiola po talaga, e! Ang sexy niya, lakas ng sex appeal!” Pero nang sabihan siya ng may Luis Manzano na si Jessy, “Sige, Arci Muñoz na lang!”
Ayon kay Derrick, na-meet na niya si Jesssy nang magsama sila sa isang pictorial para sa kilalang clothing brand, “Pero ‘Hi, Hello’ lang kami.”
Ayon kina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo ng Regal, inaayos na nila ang solo launching movie ni Derrick, hinihintay na lang nila ang approval ng kampo ng isang sexy actress para makatambal ng binata.