Encantadia, 24 Oras, KMJS, Pepito, EB wagi sa ratings game

SANYA LOPEZ, GLAIZA DE CASTRO, KYLIE PADILLA AT GABBI GARCIA

SANYA LOPEZ, GLAIZA DE CASTRO, KYLIE PADILLA AT GABBI GARCIA

MAS lalong tumaas ang rating ng Encantadia sa pagpasok nina Kylie Padilla (Amihan), Gabbi Garcia (Alena), Sanya Lopez (Danaya) at Glaiza de Castro (Pirena) bilang mga dalagang Sang’gre.

Sa katunayan, ang Encantadia ang nangungunang Kapuso program sa buong bansa at sa Urban Luzon noong Hulyo base sa huling survey ng Nielsen.

Hindi nabigo ang mga Encantadiks sa todo-todong suporta na binigay nila sa programa ng Kapuso Network dahil halatang hindi ito tinipid sa budget at mas pinaganda pa ang storya.

Tiyak na mas marami pang kaabang-abang na eksena ang masasaksihan ng mga manonood sa mga darating pang episodes ng serye sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Bukod sa Encantadia, kasama rin sa top-rating programs sa NUTAM at Urban Luzon ang kaka-launch lamang na Descendants Of The Sun, ganu’n din ang 24 Oras, Kapuso Mo, Jessica Soho, Pepito Manaloto, Magpakailanman, 24 Oras Weekend, Ismol Family, Poor Señorita at Eat Bulaga.

Read more...