Anak ng mayor na idinadawit sa droga nagpadala na ng surrender feelers

kerwin-espinosa-620x349

SINABI ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” de la Rosa na nagpadala na ng surrender feelers ang anak ni Albuera, Leyte, Mayor Rolando Espinosa Sr.
Kinumpirma ni dela Rosa na babalik sa bansa si Kerwin Espinosa matapos namang napaulat na nasa Kuala Lumpur, Malaysia na simula pa noong Hunyo.
Idinagdag ni de la Rosa na nagpaabot si Kerwin ng kanyang surrender feelers sa kanyang pamilya noong Miyerkules ng gabi.
“‘Yung father, tinawagan daw siya ng kanyang kapatid na tumawag si Kerwin na uuwi na para mag-surrender,” sabi ni de la Rosa.
Sinabi ni dela Rosa na personal niyang susunduin si Kerwin sa airport kapag dumating siya sa bansa.
Mula sa paliparan, dadalhin si Kerwin sa Criminal Investigation and Detection Group para sumailalim sa imbestigasyon.

Read more...