Retired general na isinasangkot sa droga handang magpabaril

kerwin-espinosa-620x349

SINABI ni retired general at ngayon ay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot na handa siyang magpabaril sakaling mapatunayan na binisita niya ang anak ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na si Kerwin Espinosa nang siya ay maaresto noong Mayo, 2015.
“I have myself shot publicly if anyone can prove that I was there when Kerwin was arrested,” sabi ni Loot sa ekslusibong panayam sa Radyo Inquirer 990.
Iniugnay si Loot at isang pang retiradong heneral na si Marcelo Garbo bilang mga protektor ng Kerwin Espinosa Drug Syndicate.

Samantala, kinumpirma naman ni Philippine National Police Chief Director General Ronaldo “Bato” Dela Rosa ang pagkakaroon ng intelligence report na nag-uugnay kina Loot at Garbo sa Kerwin Espinosa Drug Syndicate.
“Noon pa man, may mga reports na sa pagiging protector ng dalawa sa mga drug syndicates” sabi ni Dela Rosa.

“Kung sinasabi nilang asset ko si Kerwin noon pa, ilang taon lang siya noon? Eh 2010 lang yan nang sumikat. Whoever is doing all these intelligence reports then and now are liars and are fabricating things to pin me down,” giit ni Loot.
Sinabi pa ni Loot na ilang beses niyang tinangkang makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit nabigo siya. Radyo Inquirer

Read more...