Naitala ang pinakamababang bilang ng nagsabi na sila ay mahirap mula noong 2011 sa huling bahagi ng Aquino administration, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Ayon sa survey na isinagawa mula Hunyo 24-27, sinabi ng 45 porsyento na sila ay mahirap na pinakamababa mula noong 2011.
Noong Abril ay naitala sa 46 porsyento ang nagsabi na sila ay mahirap.
Pinakamarami ang nagsabi na sila ay mahirap sa Mindanao (54 porsyento), na sinundan ng Visayas (52 porsyento), Luzon (41 porsyento) at Metro Manila (32 porsyento).
Nagsabi naman ang 31 porsyento na pangmahirap ang kanilang kinakain, kapantay ng naitala noong Abril.
Upang hindi na masabi na sila ay mahirap, sinabi ng mga taga-Visayas at Mindanao na dapat gumastos sila ng P10,000 kada buwan, P15,000 naman ang sabi ng taga-Luzon at P20,000 naman sa mga taga-Metro Manila.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Ang survey ay mayroong error of margin na plus/minus 3.
MOST READ
LATEST STORIES