Erap ipinag-utos ang paggalugad sa mga drug tiangge

erap estrada

INATASAN ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada ang 4,000 miyembro ng Manila Police District (MPD) na suyurin ang mga tiangge ng droga sa Maynila.
Ginawa ni Estrada ang kautusan matapos namang madiskubre ang isang drug den sa ilalim ng Muelle de Binondo, na nasa ilalim lamang ng police community precinct 7, matapos ang isinagawang clearing operation.

Matapos ang aksidenteng pagkakadiskubre ng drug paraphernalia sa barung-barong ni Robert Regio, agad naman sinibak ang precinct commander na si Chief Insp. Luis Guisic.
Inaresto si Regio at sinampahan ng mga kaso.

“We will thoroughly scour the entire city, every corner, every alley, every bridge, all possible hiding places,” dagdag ni Estrada, na nagsabing nagalit siya sa nangyari sa Binondo.

Sinabi pa ni Estrada na kung kailangang baliktarin ang lungsod ay gawin ito para mahanap ang lahat ng drug den.
Inatasan naman ni MPD director Joel Coronel ang 896 na kapitan ng barangay na maging mata at tenga ng lungsod sa kampanya nito kontra droga.

“We are now increasing the level of our intelligence operations,” sabi ni Coronel.

Read more...