Ulat na itinalaga si Mocha Uson sa BOC umani ng batikos sa netizen

mocha uson

UMANI ng mga batikos sa mga netizen ang ulat na itinalaga si Mocha Uson bilang social media consultant sa Bureau of Customs (BOC), dahilan para mag-trending pa ang hashtag na #DutertePleaseAppointMe.

Umani ng sari-saring reaksyon ang ulat, kung saan kinuwestiyon pa ng ilang netizen ang kuwalipikasyon ni Mocha para sa trabaho, ang ilan naman ay hinaluan na lamang ng biro ang sitwasyon.

Naging numero uno pa ang hashtag na #DutertePleaseAppointMe sa Twitter.

Naglabas naman ng pahayag ang BOC kung saan itinanggi nito na itatalaga si Uson bilang social media consultant.

Read more...