P272M jackpot nakuha ng balo

lotto for site
Isang babaeng balo ang nanalo ng P272.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Hulyo 30.
    Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay 62-taong gulang, may tatlong anak at isang negosyante.
     Ang nanalo ay tumaya ng lucky pick o ang lotto machine ang pumili ng mga numerong 13-35-24-9-6-53.
     Nagkakahalaga ng P100 ang kanyang itinaya ng manalo.
     Ayon sa nanalo palalakihin niya ang kanyang kapital sa negosyo at babalatuhan ang kanyang mga anak at mga apo.
     Pumunta ang nanalo sa tanggapan ni PCSO general manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II upang kunin ang kanyang premyo kamakalawa.

Read more...