2 heneral ‘handler’ ni Kerwin Espinosa

ISANG police officer ang nagbigay sa akin ng report ng matrix ng operasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas.

Sa 26 taon ko bilang mamamahayag na may malawak na sources sa hanay ng pulis at militar, hindi na siguro kuwestiyon kung paano ako nagkaroon ng kopya ng report.

I have to say this since there is a need to withhold the name of my source for obvious reasons that is dictated by common sense.

There is indeed a list. A target list that contains very damaging information, especially on the part of certain local officials.
Kung kayo ang pangulo na nakatanggap ng intelligence report na ito, sasakit ang ulo ninyo; magagalit kayo at magdedeklara ng laban sa mga sindikato ng ilegal na droga.

Kabilang sa naturang listahan ang mag-amang Espinosa.

Dahil sa takot na mapatay, lumantad at sumuko na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Umamin na rin siya na sangkot nga sa operasyon ng ilegal na droga ang kanyang anak na si Kerwin kasabay nang paglilinis ng kanyang sariling pangalan. Para lang malinis ang sariling pangalan, inilaglag ang anak. Ganyan katindi ang relasyon ng mga taong sangkot at nakikinabang sa sindikato.

Ayon sa intelligence report, nitong nagdaang eleksiyon, ang anak na si Kerwin ay gumastos ng P60 milyong para sa kampanya ng ama para sa pagka-mayor.

On the week of the election, nagpalabas ng karagdagang P40 milyonsi Kerwin para masiguro ang panalo ng ama. Espinosa won the mayoralty race.

Napatunayan ko ang mga pangalang nasa listahan ng sangkot sa droga ay subject nga ng operasyon ng pulisya sa ilalim ng Oplan Double Barrel dahil sa ginawa ng operasyon laban sa grupo ni Espinosa.

Ano ba ang nakasaad sa intelligence report tungkol kay Kerwin Espinosa?

Ayon sa report na may petsang May 31, 2016, si Kerwin ay nagsimula bilang civilian asset ng Regional Anti-Narcotics Unit (RANU) ng PNP Regional Command 7 na nakabase sa Cebu.

Kalaunan, pinakawalan ito at nagsolo, at hinawakan ang operasyon at distribusyon ng ilegal na droga sa Region 8 o sa Eastern Visayas Region.

Ang bawat asset ay may tinatawag na handler Puwedeng ito ay isang junior officer o pinakamataas na opisyal ng regional office.

Sa intel report, binanggit na handler ni Kerwin ang isang retiradong heneral na kasama sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa droga.

Ipinasa si Kerwin bilang asset ng Regional Police Command ng Region 7 at na-assign sa iba’t ibang posisyon hanggang pinakamataas na posisyon ng naturang rehiyon.

Binanggit na rin ni Pangulong Duterte ang kanyang pangalan at retirado na rin siya.

Sa panahon ng heneral na ito nagsimulang pakawalan si Kerwin at ipinaubaya ang operasyon at distribusyon ng ilegal na droga sa buong rehiyon ng Eastern Visayas. Ngunit bago nangyari ito, nakilala muna ni Kerwin si Jeffrey “Jaguar” Diaz na isang high value target na illegal drug personality sa Region 7.
Ang heneral ang nag-ugnay kina Kerwin at Jaguar. Importante ang kuneksiyong ito dahil si Jaguar at ang heneral ang nag-ugnay naman sa operasyon ni Peter Co na nasa loob ng National Bilibid Prisons.

Si Jaguar ay napatay sa isang operasyon sa Las Pinas police noong Hunyo.

Nang hawak na ni Kerwin ang operasyon at distribusyon ng ilegal na droga sa Eastern Visayas Region, tinatayang nasa 50 kilo kada buwan ang nakukuha nitong suplay Kay Co sa pamamagitan ng drop-off point da Camotes Island.

Sa loob ng isang buwan, nasa 200 kilo ng shabu ang ibinababa sa lahat ng bayan at lungsod sa Eastern Visayas na may halagang P300 milyon.

Yung mga armadong lalake na nakasagupa ng pulis sa compound ng pamilya Espinosa, bahagi iyon ng private army ng sindikato.

Noong March 15, 2015, naaresto sa Tacloban ng mga operative ng Criminal Investigation and Detection Group si Kerwin ngunit napalaya at di nakasuhan.

Sino yung dalawang retiradomg heneral? Pinangalanan na sila ni Pangulong Duterte at iyon ang basis ng pahayag n’ya sa media.

Pero ang tanong, nagtapos ba sa mga retiradong heneral ang proteksiyon at kuneksiyon ni Kerwin Espinosa?

Sagot, batay sa intelligence report, hindi.

Kung mapapatay si Kerwin, dalawang bagay lang, napatay sa operasyon o napatay ng mga otoridad na kasapakat niya sa sindikato. Either way, it is apparent that the end may be near for Kerwin Espinosa.

Read more...