Kapuso teen stars makikigulo sa Bubble Gang

barbie forteza at jay arcilla

BUKAS ng gabi, bibisita ang mga Kapuso artists na sina Jak Roberto, Jay Arcilla, Arra San Agustin, Marlann Flores, Arianne Bautista at Barbie Forteza sa paboritong comedy gag show ng bayan na Bubble Gang.

Panoorin si Michael V. sa Basa Basa Pik segment kung saan may mga tanong siya tungkol sa history ng Bubble Gang at ang hindi makakasagot ng tama ay mahuhulog sa dunk tank.

Mapapa-laugh out loud ka naman sa panonood ng makulit na parody ng documentary show ng GMA News na Reporter’s Notebook kung saan ia-announce ni Bitoy sa press ang pinakabagong programa na maglalayong makapaghatid ang netizens ng agarang tulong sa mga nangangailangan gamit ang social media site na Facebook.

Lahat yan at marami pang nakakabaliw at nakakatuwang eksena sa Bubble Gang ngayong Biyernes na pagkatapos ng Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad.

Read more...