Game Of Thrones actor mapapanood na sa Encantadia

conan stevens

MALAPIT nang mapanood ang Hollywood actor na si Conan Stevens sa telefantasya ng GMA na Encantadia after 24 Oras. Gagampanan niya ang role ni Vish’ka, isang legendary warrior na mula sa mga Higantes.

Ayon sa Game Of Thrones actor, tamang tama raw ang kanyang muscular built para sa kanyang role na isasabuhay.

Kamakailan lang ay sumabak na ito sa taping at extra challenge nga raw sa kanya ang ma-execute niya ng tama ang Nchan o ang Encantadia language. Na-excite talaga si Conan sa maaaksiyong eksena niya sa Encantadia sa GMA Telebabad.

Read more...